Sa panahong ito, si Cristo Ahnsahnghong ay pumalupa gaya ng mga propesiya, tinatag Niya ang Church of God, at ipinaalam Niya ang tungkol sa Makalangit na Inang Jerusalem, sinasabing, “Ako ay sumusunod kay Ina.” Gaya ng napropesiya, ang kaluwalhatian ng Makalangit na Inang Jerusalem ay naging liwanag ng pag-asa sa madilim na mundong ito.
Habang isinisikat ng mga miyembro ang liwanag ng Jerusalem, naniniwala na ito ang ebanghelyo na pinangungunahan ng Diyos, ang mga taong may iba’t ibang mga wika at mga kultura mula sa buong mundo ay nagmamadaling bumalik sa Zion. Sa Kanyang mga anak na naniwala sa mga propesiya at nagsikat ng liwanag ng kaluwalhatian ng Makalangit na Inang Jerusalem, tinutupad ng Diyos ang Kanyang pangako: “Aangkinin nila ang kaharian magpakailan kailanpaman.”
Sapagkat narito, tatakpan ang lupa ng kadiliman, at ng makapal na dilim ang mga bayan. Ngunit ang PANGINOON ay sisikat sa iyo, at ang kanyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo. At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong pagsikat. Isaiah 60:2–3
Ngunit tatanggapin ng mga banal ng Kataas-taasan ang kaharian, at aangkinin ang kaharian magpakailan kailanpaman. Daniel 7:18
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy