Sa Panahon ng Espiritu Santo, prinopesiya ng Diyos sa Biblia na magkakaroon ng isang malaking espirituwal na digmaan sa pagitan ng Babae at ng nalabi sa Kanyang binhi at ni Satanas at ng mga kampon niya. Pag ibinukod ng Diyos ang mga maliligtas mula sa mga hindi maliligtas, tanging sa pagpanig sa Babae, na Siyang Diyos Ina, tayo ay magtatagumpay sa malaking espirituwal na digmaan at matatanggap natin ang pagpapala na kaligtasan.
Malinaw na ipinaalam sa atin ng Diyos Ahnsahnghong na may Diyos Ina sa pamamagitan ng makalupang sistema ng pamilya at ng proseso ng paglikha kay Eva, at malinaw rin Niyang ipinaalam sa atin na ang mga miyembro ng Church of God, ang mga nalabi sa binhi ng Babae, ay dapat na ipangaral ang kaluwalhatian ng Inang Jerusalem sa buong mundo.
Nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang digmain ang nalabi sa binhi ng babae, ang mga tumutupad sa mga utos ng Diyos at ang mga may patotoo ni Jesus. At tumayo ang dragon sa buhanginan ng dagat. Revelation 12:17–18
Ako’y naglagay ng mga bantay sa iyong mga pader, O Jerusalem; sila’y hindi tatahimik kailanman sa araw o sa gabi. Kayong mga umaalala sa PANGINOON, huwag kayong magpahinga, at huwag ninyo siyang bigyan ng kapahingahan, hanggang sa maitatag niya at gawing kapurihan ang Jerusalem sa daigdig. Isaiah 62:6–7
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy