Nilikha ng Diyos ang mga may pagkamamamayan sa langit na may mga pusong nagpapahalaga sa Sabbath, Paskuwa, at sa pitong kapistahan sa tatlong panahon upang masunod nila ang Kanyang mga kautusan. Kaya naman, sa lahat ng tumatawag sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga labi pero sumusunod sa kautusan ng diyos-diyosang Araw sa halip na sa kautusan ng Diyos, binabalaan Niya sila tungkol sa kanilang kasalanan, sa pagsasabing: “Hindi Ko kayo kilala.”
Kahit na magbago ang buong mundo, ang isang bagay na hindi kailanman magbabago ay ang kautusan ng Diyos. Ipinagdiwang ni Jesus ang Paskuwa 2,000 taong nakalilipas, at ipinagdiwang din ito ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina sa Panahon ng Espiritu Santo. Ang pagsunod sa Kanilang halimbawa sa pagdiriwang ng Paskuwa ang tamang pananampalataya na nakasentro sa Diyos.
“Hindi lahat ng nagsasabi sa akin ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit ... At kung magkagayon ay ipahahayag ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala kailanman; lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan!’ ” Matthew 7:21–23
“Subalit ang lalaking malinis at wala sa paglalakbay na hindi mangingilin ng paskuwa ay ititiwalag sa kanyang bayan … ang taong iyon ay mananagot sa kanyang kasalanan.” Numbers 9:13
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy