Kahit na si Judas Iscariote ay alagad ni Jesus, ang kanyang puso ay nakatuon sa materyal na kayamanan sa halip na sa kaharian ng langit. Kumuha siya mula sa supot na ipinagkatiwala sa kanya at pinagsabihan pa si Maria dahil sa paggamit nito ng mamahaling pabango para paghandaan ang libing ni Jesus. Gaya ng nagsilbing propetikal na anino ang kasaysayan nina David at Ahitofel, ibinenta ni Judas si Jesus sa halagang tatlumpung pirasong pilak at tinupad sa huli ang propesiya ng kanyang sariling kamatayan sa pagbigti.
Gaya ng natukso si Judas Iscariote sa supot na ipinagkatiwala sa kanya, tayo rin ay dapat na maging mapagbantay laban sa mga tukso ni Satanas na madalas na lumilitaw sa ating kapaligiran. Dapat nating isagawa ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mabubuting salita at gawa. Ang mga matapat na sumusunod sa landas patungo sa kaharian ng langit sa pangunguna ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina ay magbibigay-luwalhati sa Diyos at magtatamasa ng walang hanggang kaluwalhatian sa kaharian ng langit.
Sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anuman … Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na ang ilang nagnasa rito ay napalayo sa pananampalataya at tinusok ang kanilang mga sarili ng maraming kalungkutan. 1 Timothy 6:7–10
Sinabi niya sa kanila, “Isa sa labindalawa, ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok.” “Sapagkat papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat tungkol sa kanya, ngunit kahabag-habag ang taong iyon na sa pamamagitan niya ay ipinagkakanulo ang Anak ng Tao! Mabuti pa sa taong iyon ang hindi na siya ipinanganak.” Mark 14:20–21
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy