Ang mga naniniwala sa Diyos ay dapat na magdiwang ng Kapistahan ng mga Tabernakulo alinsunod sa mga katuruan ng Diyos. Ito ay dahil sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Propetang Zacarias na ibibigay Niya ang Espiritu Santo sa mga nagdiriwang ng Kapistahan ng mga Tabernakulo at parurusahan ang mga hindi nagdiriwang nito.
Sa Kanyang unang pagdating, ibinigay ni Jesus ang Espiritu Santo; sa Kanyang ikalawang pagdating, ang Espiritu at ang Babaing ikakasal ang nagbibigay ng Espiritu Santo sa Kapistahan ng mga Tabernakulo. Ang mga propesiya ng Biblia na, “Ang Espiritu at ang Babaing ikakasal ay nagbibigay ng tubig ng buhay,” “aagos ang tubig na buhay mula sa Jerusalem,” at “ang ilog ng tubig ng buhay ay lumalabas mula sa trono ng Diyos” ay nagpapahiwatig na ang Makalangit na Inang Jerusalem ay magbibigay ng Espiritu Santo at ng mga katuruang nagdadala sa atin sa buhay.
Malapit na noon ang pista ng mga Judio, ang pista ng mga Tabernakulo … Nang huling araw ng dakilang araw ng pista, si Jesus ay tumayo at sumigaw na nagsasabi … “Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang mga ilog ng tubig na buháy.’ ” Ngunit ito’y sinabi niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya John 7:2–39
Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, “Halika.” At ang nakikinig ay magsabi, “Halika.” At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad. Revelation 22:17
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy