Dahil sa Kanyang masidhing pagnanais na mabuhay ang buong sangkatauhan, tinatag ng Diyos ang dakilang pangako ng Paskuwa. Sa gabi bago ang Kanyang kamatayan sa krus, iniwan Niya sa atin ang Kanyang huling habilin, na nag-uutos, “Dapat niyong ipagdiwang ang Paskuwa.”
Ang Paskuwa, na ipinag-utos mismo ng Diyos na ating ipagdiwang, ay hindi kailanman maaaring ipawalang-bisa ng awtoridad ng tao. Kung paanong ang mga Israelita, na nagtiis ng mahabang pagkaalipin sa Ehipto, ay napalaya sa pamamagitan ng Paskuwa, ang katotohanan ng Paskuwa ang tanging landas patungo sa kalayaan para sa buong sangkatauhan na nakagapos sa mga tanikala ng kamatayan.
Dumating ang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na noon ay kailangang ihandog ang kordero ng Paskuwa … Nang dumating ang oras ay naupo siya sa hapag, at ang mga apostol ay kasama niya. Sinabi niya sa kanila, “Pinakahahangad kong kainin na kasalo kayo ang kordero ng Paskuwang ito bago ako magdusa” Luke 22:7–15
Sinabi nga sa kanila ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, malibang inyong kainin ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, wala kayong buhay sa inyong sarili. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at siya’y muli kong bubuhayin sa huling araw.” John 6:53–54
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy