Naniwala si Noe sa pagpapala ng Diyos kahit na humarap siya sa kalungkutan sa paggawa ng daong sa loob ng mahabang panahon. Pinili pa ni Moises ang mapasama sa kaapihan ng bayan ng Diyos sa halip na tamasahin ang kanyang kaluwalhatian bilang isang prinsipe sa Ehipto. Nagalak si Apostol Pablo sa pagkakataon na ialok ang kaharian ng langit sa mga tao, sa kabila ng maraming paghihirap. Gayundin, ang mga miyembro ng Church of God ay masayang lumalakad sa landas ng pananampalataya, pinapasan ang kanilang mga krus.
Lagi tayong pinaaalalahanan ng Makalangit na Ina na, “Hindi ba tayo may pag-asa para sa kaharian ng langit?” Kaya naman, ang mga banal man ito o ang mga pastoral staff na gumagawa sa unahang linya, dapat na tingnan ng lahat ang mga pagpapala ng kaharian ng langit na hinanda sa kabila ng mga hadlang na nangyayari sa harap mismo ng mga mata natin habang pinapasan natin ang sarili nating mga krus.
Kanyang itinuring na malaking kayamanan ang magdusa alang-alang kay Cristo, kaysa sa mga kayamanan ng Ehipto, sapagkat kanyang pinagtutuunan ng pansin ang gantimpala. Hebrews 11:26
sapagkat kung mamuhay kayo ayon sa laman, kayo ay mamamatay, subalit kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, kayo ay mabubuhay. Sapagkat ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay sila ang mga anak ng Diyos … kung tunay ngang nagtitiis tayong kasama niya, upang tayo’y luwalhatiin namang kasama niya. Itinuturing ko na ang pagtitiis sa panahong kasalukuyan ay hindi karapat-dapat maihambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin. Romans 8:13–18
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy