Natuklasan ni Ciro, na hari ng Persia, ang propesiya tungkol sa kanya sa Biblia at labis siyang naantig, kaya pinalaya niya ang mga Israelita mula sa pagkabihag at tinayo ang templo sa Jerusalem. Gaya nito, dapat tayong maniwala sa mga propesiyang nakasulat sa Biblia. Nang napupuno ng malaking kagalakan gaya ni Ciro, dapat nating ipangaral ang ebanghelyo na ipinag-utos ng Diyos sa atin nang buong puso natin at nang buong kaluluwa natin.
Gaya ng tinuro si Jesus sa pamamagitan ng talinghaga ng sampung mina, ipinangako Niya ang isang maluwalhating kinabukasan sa mga natatakot sa salita ng Diyos: sila ay maghahari kasama ng Diyos magpakailanpaman, nagtatamasa ng walang hanggang kaluwalhatian sa kaharian ng langit — isang lugar kung saan wala nang kamatayan, o pagdadalamhati, o pagtangis, o kirot.
At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa; sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na, at ang dagat ay wala na … “At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na rin magkakaroon pa ng pagdadalamhati, o ng pagtangis man, o ng kirot man, sapagkat ang mga unang bagay ay lumipas na.” Revelation 21:1–4
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy