Gaya ng nasusulat, “Ang lahat ng ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay daranas ng pag-uusig,” at gaya ng sinabi ni Jesus, “Kung ang sinuman ay nagnanais sumunod sa Akin … magpasan ng kanyang krus at sumunod sa Akin,” ang isang maikling sandali ng pagdurusa ay tiyak na susunod sa buhay ng lahat ng nabubuhay para sa kaluwalhatian ng kaharian ng langit.
Si Esau at si Judas Iscariote ay namuhay ayon sa laman, na hinahangad ang mga kasiyahan ng kasalanan, at sa huli ay nawala ang mga pagpapala ng kaharian ng langit. Gayunman, napagtagumpayan nina Moises, Jacob, Daniel, at ng tatlong kaibigan ni Daniel ang mga paghihirap sa pamamagitan ng higit na pagpapahalaga sa mga kasiyahan ng langit. Gayundin, ang mga miyembro ng Church of Goday naglalagay ng kanilang pag-asa sa mga kasiyahan ng langit na ipinangako ng Diyos, at tinatalaga ang kanilang sarili sa pangangaral ng mga pagpapala ng araw ng Sabbath ng bagong tipan at ng Paskuwa, gaya ng Kanyang iniutos.
Sa pananampalataya, nang nasa hustong gulang na si Moises ay tumangging siya’y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon, na pinili pa ang mapasama sa kaapihan ng bayan ng Diyos, kaysa magkaroon ng pansamantalang kasiyahan ng kasalanan. Kanyang itinuring na malaking kayamanan ang magdusa alang-alang kay Cristo, kaysa sa mga kayamanan ng Ehipto, sapagkat kanyang pinagtutuunan ng pansin ang gantimpala. Hebrews 11:24–26
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy