Ang tagumpay o pagkabigo ng gawain ng ebanghelyo ay nakasalalay sa kung gaanp kalakas ng ating pananampalataya sa Diyos. Gaya ng ipinakita ng Diyos sa atin sa mga labanan sa mga araw nina Gideon at Josue, ang mga may pananampalatayang nayanig ng kapaligiran at ng kalagayan ay hindi kasama sa hukbo ng Diyos, at tanging ang mga may matatag na pananampalataya sa Diyos ang ginamit sa pagsulat ng kasaysayan ng tagumpay.
Ginabayan ng Diyos ang bawat panahon sa paraan na hindi kailanman naisip ng tao. Kahit sa Panahon ng Espiritu Santo, kung kailan lubos tayong naniniwala sa mga salita ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina, “Iligtas ang mundo,” matutupad natin ang misyon ng hukbo ng langit, na tapusin ang ebanghelyo ng kaharian.
Makipagtiis ka ng mga kahirapan, gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus. Walang kawal na naglilingkod ang nakikisangkot sa mga bagay ng buhay na ito, yamang ang kanyang mithiin ay bigyang-kasiyahan ang nagtala sa kanya. 2 Timothy 2:3–4
Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay na sa akin. Kaya’t sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo. At narito, ako’y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.” Matthew 28:18–20
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy