Noong panahon ng paglabas ng mga Israelita sa Ehipto, sumapit ang mga sakuna sa buong Ehipto, pero walang sakunang dumating sa mga Israelita. Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng isang lugar na may tipan ng Diyos at ng isang lugar na wala nito. Nagbigay ang Diyos ng dakilang pangako na saan man sinusunod ang Kanyang utos — ang Paskuwa ng bagong tipan, ang Kanyang bayan ay pagpapalain sa kanilang pagpasok at pagpapalain sa kanilang paglabas, at itataas Niya sila sa lahat ng bansa sa lupa.
Pinatototohanan ng mga propetang sina Isaias, Zephanias, at Pedro na isang malaking sakuna sa pamamagitan ng apoy ang darating sa lupang ito dahil hindi sinusunod ng mundo ang bagong tipan, na kinabibilangan ng araw ng Sabbath ng Diyos at ang Paskuwa. Ang Biblia ay nagpapatotoo na tanging sa pagsunod sa tipan ng Diyos, ang sangkatauhan ay magiging mga anak ni Amang Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina at makakatanggap ng proteksiyon ng Diyos mula sa lahat ng sakuna.
“Kung susundin mo ang tinig ng PANGINOON mong Diyos at maingat mong gagawin ang lahat ng kanyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, itataas ka ng PANGINOON mong Diyos sa lahat ng mga bansa sa lupa; at ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong susundin ang tinig ng PANGINOON mong Diyos … Magiging mapalad ka sa iyong pagpasok at magiging mapalad ka sa iyong paglabas.” Deuteronomy 28:1–6
“At kapag sinabi mo sa mga taong ito ang lahat ng mga salitang ito, at kanilang sasabihin sa iyo, ‘Bakit binigkas ng PANGINOON ang lahat ng malaking kasamaang ito laban sa amin? Ano ang aming kasamaan? Ano ang kasalanang nagawa namin laban sa PANGINOON naming Diyos?’ Kung magkagayo’y sasabihin mo sa kanila, ‘Sapagkat tinalikuran ako ng inyong mga ninuno … at hindi iningatan ang aking kautusan, sabi ng PANGINOON.’ ” Jeremiah 16:10–11
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy