Dahil ang 66 na aklat ng Biblia ay naglalaman ng daan upang makalapit sa Tagapagligtas at ng karunungan para matukoy ang katotohanan mula sa kasinungalingan, binabalaan tayo ng Diyos na wag magdagdag ni magbawas ng kahit na ano mula sa Biblia, kundi sumunod lang sa mga salita ng Diyos. 2,000 taong nakalilipas, si Jesus lang ang sumigaw, “Lumapit kayo sa Akin upang tanggapin ang tubig ng buhay,” pero itinuro Niya sa atin na ngayon ay dapat tayong lumapit sa Espiritu at sa Babaing ikakasal para makatanggap tayo ng tubig ng buhay at magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Prinopesiya ni Isaias na aakayin ng Diyos ang Kanyang mga anak patungo sa bukal ng tubig ng buhay, at ang Diyos Ahnsahnghong, ang Espiritu Santo, na tumupad sa lahat ng propesiya ng Biblia, ay Siyang nag-akay sa sangkatauhan patungo sa Makalangit na Inang Jerusalem, ang Babaing ikakasal sa Espiritu at ang bukal ng tubig ng buhay.
Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, “Halika.” At ang nakikinig ay magsabi, “Halika.” At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad. Revelation 22:17
Ganito ang sabi ng PANGINOON: “Sa kalugud-lugod na panahon ay sinagot kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita … Sapagkat siyang may awa sa kanila ang sa kanila ay papatnubay, at aakayin sila sa tabi ng mga bukal ng tubig.” Isaiah 49:8–10
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy