Pag ang mga anak ng Diyos ay naging asin at ilaw ng sanlibutan alinsunod sa mga katuruan ng Diyos, ipinakikita ang luwalhati ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mabubuting gawa, at inaakay ang sangkatauhan sa Diyos sa pamamagitan ng katotohanan ng bagong tipan, malulugod ang Diyos at bibigyan sila ng nag-uumapaw na pagpapala sa araw na sila ay tatayo sa harap Niya.
Kung tinanggap natin si Cristo Ahnsahnghong at ang Makalangit na Inang Jerusalem sa Panahon ng Espiritu Santo, mula ngayon, dapat nating itakwil ang masasamang gawi na natutunan natin sa mundo at magbihis ng bagong pagkatao bilang mga Kristiyano. Habang ang mundong ito ay unti-unting nawawalan ng kabanalan at nagiging mapaghimagsik at masama, dapat nating maunawaan na malapit na ang araw ng paghuhukom ng Diyos, gaya noong mga araw nina Noe at Lot, at lalo pang mamuhay nang may pagkamaka-Diyos.
Kaya nga, mga kapatid, isinasamo ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong ialay ang inyong mga katawan na isang handog na buháy, banal, na kasiya-siya sa Diyos, na siya ninyong makatuwirang paglilingkod. Huwag ninyong tularan ang sanlibutang ito; kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos na kalooban ng Diyos. Romans 12:1–2
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy